Nagsagawa ng Community pantry ang mga guro ng Rafael Palma Elementary school, sa pangunguna ng  presidente ng faculty club na si Bb. Karen I. Maceda, kasama ang punongguro ng paaralan na si G. Mario T. Endico, noong Abril 27, 2021.

          Ang mga guro  kasama ang ilang kaibigan ay nag-ambag ambag ng iba’t ibang uri ng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan, upang makabahagi ng tulong  sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng pandemya na COVID 19.  Umabot sa mahigit 100 katao na nagmula sa ibat-ibang barangay  na malalapit sa paaralan ang naging pangunahing pamilyang pumila  na nagsimula sa ganap na alas 1:00 ng hapon.

          Sa tulong ng ilang opisyal ng Brgy. 41 na namuno ng kaayusan sa pagpila upang masunod ang mga alituntunin ng AITF sa panahon ng pandemya, naging maayos at matagumpay ang nasabing gawain.